Tuesday, August 26, 2014

8:40 PM


Sa panahon ngayon, madami tayong naririnig na mga scams dito sa Pilipinas. Ang pinakausong scam ngayon ay mostly galing sa Network Marketing dahil sa madaming mga companies na nagsara o kaya ang mga owners o kaya leaders ang nagtakbo ng pera.

Ang Scam ay madaming definition at iba iba ang mga definition ng tao ukol dito depende sa kanilang point of view. Tingnan natin kung ano ba ang mga insights ng tao tungkol sa scams sa opportunties.






Scenario 1 (High Yield Investment and Pyramid / Ponzi Schemes)

Ang taas naman ng returns sa opportunity na yan. For sure na scam yan!

Most likely, kapag masyadong mataas ang returns na ibinibigay ng isang opportunity, mataas ang risk na ito'y magiging scam ng maaga. Most Ponzi schemes are like this, where they provide high returns and then close early once a few members have benefited through the program. Masasabi ba natin kapag mataas ang returns, scam agad? Ang masasabi ko ay hindi naman lahat ganun kaagad. Ang ponzi schemes in reality, madami itong players and participants at most of them treat ponzi schemes as opportunities to gamble their money away. Pag may nakita ka na 50% daily in 3 days, meron dyan mananalo at matatalo. Ganyan ang mga ponzi schemes!

So, kelan natin masasabi na scam ang isang ponzi? We can say that they are scams once they have stopped providing payouts. To make things simple, ponzi schemes are like gambling opportunities that are not bound by authorities, that's why they are considered illegal or in some countries, currently in the gray area (legal and illegal at the same time).

Ang mas ok na point of view dito ay ang pagassess ng risk sa mga gantong opportunities. Tingnan mo kung anu ba ang risks involved kapag sumali dito?.

1. Kelan ba ako makakapagbreak even dito?
2. Sino ba ang may-ari at nagpapakita ba siya personally?
3. Ang information ba sa website pwedeng maverify kung nagpopoint ba siya sa isang physical address?
4. Madami bang nagmamarket nito?
5. Ang mga information ba sa website ay totoo at kaya bang iverify ng mga tao kung totoo ito?
6. Ang mga sinasabing pagiinvestan, may ibibigay ba sayo na monthly report?

Itong mga ito ay mga halimbawa lang ng risk assessment factors sa mga gantong opportunities at madami ka pang pwedeng idagdag dito pero nasa sa'yo nalang din kung paano ka magaassess ng risk sa mga katulad nito. 


Scenario 2 (Network Marketing)

May products kami therefore hindi kami scam!

Hindi lahat ng network marketing companies na may products ay hindi scam. Kailangan natin tingnan kung ang mga products na ito ay hindi ginamit para maging loophole sa legalities dito sa Pilipinas. Madami kasing companies ngayon na sinasabi nila na Direct Selling Company sila pero in reality, ang pinopromote nila ay ang kanilang Pyramid / Ponzi scheme.

Paano ba malalaman kung ang isang Network Marketing Company ay hindi isang Pyramid / Ponzi Scheme?

1. Dapat ang products ay tangible at pwedeng ibenta sa mga non-members ng company.
2. Ang cost ng products pagkamember palang ay discounted na kaagad. Ibig sabihin nito, once na nagpamember ka, kasama na sa membership fee ang products na makukuha mo na naka distributor price.
3. Ang products ay marketable at pwedeng makipagcompete sa other products sa market.
4. Ang products ay hindi over priced.


Scenario 3 (Network Marketing)

May resulta na ang mga members namin! May mga payouts kami kaya hindi kami scam!

Hindi ibig sabihin na kapag kumikita ang mga members, hindi na siya scam. Ang ibang companies at leaders kasi nagaattract ng attention sa pagproprovide ng payouts tapos kapag nakapagaccumulate na sila ng sapat na funds, bigla silang mawawala. Ang isang bagay na kailangan tingnan ng mga tao sa isang network marketing company ay ang kanilang products at ang compensation plan. Kapag ang cash flow ng company ay based sa products, doon mo lang masasabi na ang company ay isang Direct Selling company. Kapag ang cash flow naman ng isang company ay based sa dami ng taong nagiging distributor at mostly makikita mong ads online at offline ay promise of earning a lot of money through this opportunity, most likely recruitment scheme ang focus ng leaders at company. Ang mga payouts na malalaki ay dumedepende sa kung gaano kalaki ang organization na nagawa ng isang member. Kung ang sabi ng isang member ay no need to recruit or sell pero ang income nya ay 100k, most likely the company promotes a pyramid / ponzi scheme opportunity. Sa network marketing kasi, kailangan mo mageffort sa pagbenta at pagadvertise kung gusto mong umasenso dito. Pwede ka lang umasenso sa industry na ito nang walang ginagawa kung meron kang team na solid na sila na ang gumagawa ng halos lahat ng tratrabahuhin ng mga network marketers.

Mas magandang sabihin nalang natin na hindi batayan ang payouts para masabing hindi scam ang isang company. Tingnan mo dapat lahat ng aspeto ng isang network marketing company para masabi kung ito ba ay isang viable option para makapagbigay sa'yo ng passive income.


Scenario 4 (Network Marketing)

May office kami at legal documents sa Pilipinas kaya hindi kami scam!

Dito sa Pilipinas, napakadaling kumuha ng mga documentations for legalities lalo na kapag madami kang pera at connection sa mga government agencies. Hindi magandang batayan ang documentations lang pero ito ay makakatulong para masort out mo ang mga companies na most likely magscascam agad. Madami kasi ngayon mga dating network marketers na nagtatayo ng sarili nilang network marketing company. Pati ang pagacquire ng office sa isang lugar para masabi na may physical address ang company, hindi ito magandang batayan din pero makakatulong din ito.

Katulad ng sabi ko, sa Pilipinas, madaming loopholes ang batas dahil ang ating constitution (as stated by some professionals) is focused to benefit the capitalists (investors and business men) more than the middle and low class citizens. Kailangan natin tingnan at iconsolidate ang lahat ng information na makukuha sa opportunity para massess mo talaga kung ito ba ay isang scam o hindi.


Scenario 5 (Paluwagan)

Mabilis ang cycle samen at napakasimple! Madami na ang kumita kaya hindi kami scam!

Ang progress at bilis ng cash flow sa isang paluwagan ay hindi batayan para masabing hindi ito scam. Kung ang isang paluwagan ay nagpapaikot lamang ng pera, wala ditong problema. Pero kung ikaw ay ipapasok sa isang sistema na kailangan mong magrecruit o kaya kailangan madaming members na pumasok para makapagbreak even ka o kaya kumita ka dito, ito ay isang recruitment scheme. Ang mga nauuna sa paluwagan ang tinatawag na "Sure Winners" dahil ang earnings dito ay nakaqueue form. Ang mga nauna pumasok sa paluwagan ang may malalaking kita at ang mga nahuli, kailangan magsikap maginvite sa paluwagan para makapagpayout din sila. Napakasimple lang naman ng mga sistema ng paluwagan. Kapag pumasok ka ng maaga at nakuha mo ang magandang position, mabilis ka makakakuha ng earnings at may potential passive income ka as long as hindi titigil ang pagpasok ng new members sa paluwagan.


Isummarize nga natin ang lahat ng ito:

Ang lahat ba ng Ponzi / Pyramid schemes ay scam? 
Depende sa iyong pananaw

Ang lahat ba ng Ponzi / Pyramid schemes ay illegal? 
Sa iba oo sa iba hindi

Ang lahat ba ng High yield returns opportunities ay scam? 
Depende sa iyong pananaw

Ang lahat ba ng Network Marketing Companies ay Ponzi / Pyramid schemes? 
Hindi

Ang lahat ba ng Paluwagan ay scam? 
Depende sa iyong pananaw

Ang lahat ba ng Network Marketing Companies na may mahal na product ay scam? 
Depende sa iyong pananaw

Ang scam ay talagang dumedepende sa pananaw ng isang tao kaya kailangan mo muna idefine kung anu ang term na "scam" para sa'yo. Alamin muna lahat ng risks involved para hindi mo masasabi na "nascam" ka. Information is your only defense against avoiding scams so be vigilant enough to search and review everything before joining an oportunity to make money online.

0 comments:

Post a Comment